|
when i was in gradeIII | |
|
Ako si Vanessa Airies Landicho Baguna.Ipinanganak ako noong ika-17 nang Hulyo taong 1994 sa San Pablo District Hospital.Ang aking magulang ay si Armando Baguna at si Marina Baguna.Ang aking mga kapatid naman ay si Leslie Baguna an gaming panganay at si Jerome Baguna ang pangalawa.Kami ay tatlong magkakapatid at ako ang bunso.Ang kwento nang aking ina nung nasa sinapupunan daw nya ako ay sobra daw syang nhirapan.Masyado daw akong malikot sa kanyang tiyan.Mabilis naman daw nya akong nailuwalng normal.Nang baby daw ako madalas daw magalit ang aking ama sapagkat wala daw akong ginawa kundi ang umiyak nang umiyak kaya laging wala sya sa aming bahay dahil naririndi daw ito sa aking mga pag-iyak.Simula daw nang isinilang ako hanggang sa mag isang taon ay hindi pa daw ako nabubuhat nang aking ama.Hindi daw ito mahilig mag alaga nang bata at lagi daw siyang nasa trabaho.
Ako ay bininyagan noong ako ay apat na buwan palang.Sinabay daw ito sa kapyestahan nang aming barangay para daw isang handaan nlang.Isang pares lang nang ninong at ninang ang kinuha nang aking magulang kaya pag dating nang kapaskohan malungkot ako kasi konti lang ang aking nagiging pera.Tinanong ko sila kung baket isang pares lang ang sabi naman nang aking ina wala daw syang makuhang iba.Ang aking ninong pa ay ang kapatid nang aking ama na wala pang trabaho.Ang aking ninang naman ay medyo may kaya sa buhay at hindi sya nawawalan nang ibinibigay sa akin.
|
latest picture |
|
Ang aking unang kaarawan ay naging magastos daw dahil marami kaming naging bisita kaya nag handa sila nang marami.Ang mga bata ay tuwang-tuwa dahil marami daw nagging palaro.Marami akong natanggap na regalo galing sa ilang kapitbahay at kamag-anak. Ang kwento nang aking ina natuto daw akong maglakad noong isang taon at isang buwan ako.Lagi daw akong nadadapa kaya madalas nlang nya akong buhatin.Noong tatlong taon gulang daw ako lagi ko daw inaaway ang mga kalaro koka ya lagi din daw nya akong napapalo at hindi pinapalabas nang bahay.Sabi nang aming nga kapitbahay sobra daw akong madaldal at makulit noong bata ako.Hanggang ngayon daw ay ganun pa rin daw ako.Apat na taong gulang daw ako nang tinuruan akong magbasa,magbilang at sumulat nang aking ina.Hindi naman daw sya nahirapan sa akin dahil mahilig daw akong humawak nang papel at lapis.
Nagsimula na akong mag-aral nung limang taon ako.Pumasok ako sa IV-B Day Care Center.Marami akong naging kasundo kahit ang aming teacher ay naging kabiruan ko din.Sa tuwing walang pasok madalas kaming maglaro nang bahay-bahayan.Nagkatuwaan kami kaya naisipan namin na umakyat sa puno.Sa sobrabg dami at likot namin sa puno bigla itong naputol.Nahulog kaming lahat at nagkaipitan.Nabalian ako sa kamay habang ang mga kalaro ko ay nag iiyakan.Pag-uwi ko sa aming bahay ay imbis na hilutin ang aking kamay ay pinalo at pinagalitan pa ako.Kung hindi daw sana ako nalabas nang bahay hindi daw sana ako masasaktan.Simula noon hindi na muli kami umakyat sa puno.
|
elementary graduation |
|
Nag-aral naman ako nang elementarya sa Central School.Marami agad akong nakilala at naging kaibigan sa simula pa lamang nang eskwela.May naging kaaway din akong lalaki madalas nya akong asarin.Habang nagsusulat ako sinisipa nya ang aking upuan kaya hindi ako nakapagpigil kaya nasaksak ko sya nang lapis sa likod.Nagsumbong sya sa aming teachar at oinagalitan ako.Kinabukasan pagpasok ko kasama na nya ang kanyang magulang natakot ako kaya hindi na lamang ako pumasok.Simula non hindi ko na sya pinapansin at hindi na rin nya ako inaasar.Noong grade-II naman ako halos lahat nang kaklase ko ay kasundo ko .May naging bestfriend ako madalas nya akong sinasama sa kanilang bahay at sorang bait sa akin nang kanyang ina.Madalas din akong isama nang iba ko pang kaklase kung saan-saan. Lagi kaming lumiliban sa klase para lang makapaggala.Nalaman nang aking ina ang mag pinaggagawa ko kaya naman nang matapos ko ang gradeII inilipat na nya ako nang mas pinakamalapit na paaralan.Sa Brgy. Sta. Catalina Elementary School ko pinag patuloy ang aking pag aaral.Noong unang pagpasok ko dun nagging kasundo ko na agd an gaming kapitbahay at naging bestfriend ko sya pero hindi ko akalain na pagkukuhanan nya ako nang mga gamit.Binigyan ako nang aking tita nang isang relo subalit wala pang isang lingo ay nawala na agad ito sa akin.Kinabukasan nakita ko na lamang ito sa bahay nang bestfriend ko.Tinanong ko sya kung bakit nasa kanilang bahay ang aking relo ang sabi nya ay nasimot lang daw nya ito sabi ko naman dapat binalik nya ito sa akin kasi alam naman nya na akin yon bigla nalang syang tumakbo pauwi sa kanila.Simula noon hindi ko na sya ulit pinansin.Nang matapos ko ang gradeIV nakatanggap ako nang tatlong parangal.Naging Best in Performing Arts ako,3rd placer sa Mathematics at nakasama din ako sa mga achiever.
|
sudoku winner |
|
Nag-aral naman ako nang High School sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School.Napapunta naman ako sa mataas na section 1-B.Lahat nang aking mag kaklase ay matatalin.Ganun pa man hindi prin ako nag pahuli.Nakipagsabayan ako sa kanila hanggang sa kaya ko.Nang natapos ko ang first year,konti lang ang naging absent kokasi natakot akong malampasan nang aralin kaya kahit pamasahe lang pumapasok parin ako .Pgdating ko nang second year sa 2-c sana ako kaso hindi agad ako nakapag-enroll kaya napunta ako sa 2-h.Hindi ko inaasahan na mapapapunta ako sa ganung section.Sa sobrang hiya ko hindi ako pumapasok.Sa hindi ko pag pasok nakakilala ako nang mga hindi rin napasok katukad ko.Sila ang lagi kong kasama.Natuto akong mag-inom nang alak na para bang wala nang katapusan.Minsan ang buong iasang linggo naming ay napupunta lang sa pag-iinom.Hanggang sa hindi na ako tinanggap sa klase dahil apat na buwan akong hindi nagpakita sa aming klase.Nalaman nang aking magulang ang mga ginagawa ko at ang hindi ko pag pasok.Pagdating nang nobyembre hindi na nila ako pinapasok pa.Halos nagging katulong ako sa aming bahay.Wala akong ginawa kundi ang maglaba,mamalantsa at ang maglinis nang bahay.Naawa ako sa aking sarili,nalaman ko ang kahalagahan nang pag aaralan at nakita ko din ang aking magiging buhay kung wala akong matatapos.Nasabi ko na lang sa aking sarili sana hindi ko nalang sinayang ang pagkakaton na makapag aral.Sumunod na taon,muli akong nag aral.Hindi pa rin naalis ang aking pagliban sa klase pero hindi na ito tulad nang dati.Madali kong nakasundo ang aking mga kaklase dahil sa sobra nilang kadaldalan at kakulitan kahit lalaki ay ganon.Madalas magwalk-out an gaming guro dahil sa sobrang gulo naming.Isang araw nagpunta ang aming adviser sa room upang maghanap nang representative sa Sudoku nagkataon naman na marunong akong laruin un kaya nagboluntaryo na lamang ako.Kami ay mahigit tatlong pung naglaban.Hindi ko inaasahan na makakasama ako sa top3.Hindi makapaniwala ang ibang teacher na isang 2-L pinakamababang section ay makakapasok sa ganung kompetisyon.
Nagkaroon naman kami nang problema sa bahay.Naglayas ang aking kapatid na panganay.Hinanap namin sya kung saan-saan pero hindi namin sya nakita.Makalipas ang isang buwan,may nakapagsabi smin kung nasaan sya.Pinuntahan namin ang bahay nang kanyang boyfriend at nakita naming sya don.Pinilit sya nang aking ama na sumama sa amin pauwi ngunit hindi sya pumayag nang hindi kasama ang kanyang boyfriend.Walang nagawa si dady kundi pumayag 17 taon pa lang ang ate ko nang siya ay mag tanan.Namulong ang pamilya nang lalaki sa amin.Walang nagawa ang aming pamilya na pumyag sa kasalan dahil nabuntis ang aking kaptid.Hindi kinaya nang magulang ko ang mga nangyari kaya lagi nila akong pinangangaralan.Wag daw muna akong makipagrelasyon dahil ang mag lalaki daw ay hindi nauubos unahin daw muna ang pag aaral para maging maganda ang aming buhay.Nang manganak ang ate ko namatay agad ito pagkalabas palang.Naging malungkot ang aming bagong taon dahil sa mg nangyaring iyon.
|
picture taking for the graduation day |
|
Pagdating ko nang fourth year nagsipag ako sa pag aaral dahil gusto kong makapagtapos nang pag aaral.Mahirap ang mga aralin pero pinipilit ko paring intindihin.Minsan lumiliban pa rin ako sa klase pag walang babaunin at kapag may sakit.Mababa ang aking naging grade noong first grading dahil hindi ako nakakapagpasa nang mga project.Bumawi naman ako noong second grading.May back subject ako na dapat pasukan kaso hindi ko magawa dahil hindi ito tama sa aking schedule kaya napabayaan ko ito.Matagal akong hindi nakapasok at muntikan na akong hindi tanggapin buti nalang kinausap ito nang aking adviser at binigyan ako nang second chance.Bilang parusa kaylangan kong mag report araw-araw.Mahirap pero ginagawa ko pa rin.Minsan medaling araw na akong natatapos sa pagsusulat kaya minsan nakakatulog ako sa klase.Ngayon isa nalang ang hinihintay naming lahat ang makapagtapos nang high school at makapagkolehiyo upang makatulong sa pamilya.
No comments:
Post a Comment