Sunday, February 27, 2011

Ang talambuhay ni Maria.Ellaine Panganiban Espinosa


           
noong Baby pa cuh
        Nais ko pong ibahagi ang kwento ng aking buhay, simula nuong aking pagkabata hanggang sa edad ko ngayong limampu(15).
Iba’t ibang karanasang may masaya at malulungkot na pangyayari na aking ipinagmamalaking natagumpayan kong kaharapin sa tulong ng mga taong nagmamahal sa akin at nag-aaruga.

       
        Ako po si Ma. Ellaine Panganiban Espinosa, labing-limang(15)taong gulang na nakatira sa Brgy, Soledad,  San Pablo City. Apat kaming magkakapatid, at ang aking mga magulang ay sina Lorna Moog Panganiban at ang aking ama naman ay si Chanito Belo Espinosa. Ipinanganak ako sa San Pablo City, pangalawa ako sa aming apat na magkakapatid. Ang aking ate ay tatlong taon gulang palang nuon ay siya na ang nag-aalaga sa akin, at nagbigay ng palayaw sa aking “D.J”, at hanggang ngayon ganun pa din ang ngalan ko.
        Bininyagan ako sa simbahang Nuestra Senora de Soledad. Ang aking ninang at ninong na malapit sa akin ay sina Alvin Perez at Lannie Panganiban, sila ang nag-aalaga sa akin nong panahong walang nag-aaruga sa akin.
kapag wala ang inay:)
Nuong nasa edad na kong anim(6),pumasok na ako ng Kinder Garten, lagi akong hatid sundo ng aking ina. Sapagkat ayokong mahiwalay ng matagal na oras sa kanya kaya di ko mapigilang umiyak. Hindi pa ganung kadali sa aking nung bata pa ako na mag isa dahil nasanay akong nasa tabi ko lang ang aking ina palagi. Ngunit kinalaunan ay nasasanay na din akong magpaiwan sa aking ina pag pumapasok dahil sa alam ko naman na para sa ikakabuti ko din iyon at marami na din akong mga kaibigan na alam kong maari akong makipaglaro at makihalubilo sa kanila ng Masaya. Maraming gawain na pinapagawa ang aking guro nuon sa amin at masaya ko itong ginagawa kasama ang aking mga kaklase.
Nagdaan na ang ilang buwan at narating ko na ang Unang Baitang ng Elementarya sa Paaralan ng Soledad. Panibagong pakikisama na naman.Nang ako ay mag punta sa unang baiting at nakahanap na ulit ng panibagong mga kaibigan.Masaya ako at dahil unti-unti nang nag kakaisip madami kaming ginagawa na ikakagalit n gaming guro, nag-lalaro kami kahit may klase at labas pa ng labas ng walang dahilan kung kayat laging galit na galit an gaming guro.
Nang mag B-day ang bunso kong kapatid ay inimbitahan nang aking ina ang aking mga kaklase na pumunta sa amin at mag salu-salo.Sama-sama at barkadahan kaming pumunta sa amin at kumain,gala at nag saya.

Nag bakasyon na naman atn tigil na naman sa bahay ang mga kalaro ko na ay ang aking mga kapatid sa pag lalaro naming iyon doon ako ay ay na-aksidente dahil sa pag kaumpog sa kantuhan n gaming bahay dahil sa kalikutan nasaktan na nga ay na gulpi pa ng aking ina.Kapag taps na sa mga gawaing bahay nag-iisip kami ng mga laro at gagawin naming mag-kakapatid.nang huhuli nkami ng mga tutubi at gagamba sa sukalan,kapag may nakitang mangga at bayabas ay aakyatin namin at papaltukin.
Kapag humahapon na ay na-uwi at gulpi na naman dahil sabi nila natawag daw sila ay di pa naming rinig.Pero sa pag uwi kong iyon ay may magandang balita na sinabi ang aking ina.dahil sa calihan daw ay may gaganaping Singing Contest.Isang lingo rin akong nag praktis noon dahil kinaylangan kong sumali noon dahil sa kakapusan sa pera.Hindi ko lubos maisip na mananalo ako.L      aking tuwa ng mga magulang ko nang nanalo ako.Nag papasalamat ako sa panginoon dahil binigyan ako ng magandang boses.

Makalipas nang ilang taon nasa ikalimang baiting na ako.Sumali naman ako ng Mardigras,sinuportahan ng aking ama dahil siya ang naging service namin kapag kung saan saan nag papraktis.
Madami na rin akong lugar na napupuntahan sa pag papraktis dahil doon madami ulit akong naging kaybigan.ang mga lugar na aming napuntahan ay San Anton,Teomora,San Gabriel at San Miguel.dahil nga ang aking Ama ang service namin kaya ako ay libre na.Dumating ang araw na aking pinaka hihintay sumayaw na kami nakaka-inis lang kasi umulan. Sa pag Sali ko nga doon ay nag karoon ako ng karag dagang marka.Kahit di ako nakaka attend n gaming klase ay naka pasa pa rin ako.

 Ika-anim na baiting na ako ay pa hirap na ng pa hirap an gaming mga aralin.Pa iba-iba rin ng mga guro.Mahirap na nga ang klase ay pag uwi pa sa bahay ay maaabutan ko pa ang aking ama at ina na nag aaway.Kahit  bata pa man ako ay madami na akong pag subok at problema sa buhay na hindi ganun kadali na kaharapin pero bilang isang responsable at mapagunawang tao,nilalakasan ko ang loob ko para sa ikakabuti na lamang naming lahat.

Nagkaroon ulit ng Intramurals. Araw araw kaming nag papraktis ng sayaw at parade. Dahil sa pagsali duon, nagkaroon ulit ako ng karagdagang marka kaya nakapasa ako ng Grade 6. Sa pagGraduate ko,ang aking kapiling noon ay ang aking butihing lola dahil sa wala ang aking ina na dapat kong kasama sa pinaka importanteng araw sa buhay ko dahil sa siya ay nagtungo sa ibang bansa para sa pantustus sa pag-aaral naming magkakapatid. Gayunpaman, Masaya ako sapagkat lahat sila ay magagalak na masilayan ang aking pagtatapos sa Elementarya. Nagkaroon kami ng konting pagsasalo-salo na kung saan lahat ng mahal ko sa buhay ay naroroon upang batiin ako.

April 20, 2005, ang aking kaarawan. Hindi ako Masaya dahil wala nga ang aking ina kahit nandun ang aking pamilya hindi pa din ako makuntento sa kawalan ng aking ina. Matagal kong hinangad na makapiling ko siya at makasama sa araw ng aking Kaarawan. Dumating na ang bakasyon kaya parati nalang akong nasa bahay,laging inuutusan at naglilinis ng bahay na pag hindi ko ginawa, katakut takut na sermon aabutin ko kay lola kaya wala na kong magawa kundi gawin lahat ng gusto niyang ipagawa sa akin. Pagkalipas ng ilang buwan, araw ko para magenrol sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School, ito ang paaralang napili ko upang magaral ng sekundarya sapagkat ang pagkakaalam ko ay maganda ang aral dito. Kinalaunan ay natanggap na nga ako.

Araw na nag pasukan (June 3, 2005), nakapasok na ako bilang Unang Baitang ng Sekundarya at duun ko nga maranasan kung gaanu kahirap ang High School ang dami na agad dapat gawin na hindi ko naman inaasahan na mararanasan ko dun ngunit sa kabila ng lahat ng yun ay Masaya parin ako na marami akong kaibigan na nakilala at makikilala pa sa susunod na mga buwan at taon na darating pa. Sa unang araw na iyon ay di pa ako masyadong bihasa sa mga pasikot sikot duon kaya di ko maiwasang mapatulala nalng at matawa sa sarili ko,iniisip ko nalang na kaya ko to!!. Na bilang estudyante kinakailangan na maging responsable at mabuting magaaral para sa ikakabuti ng aking kinabukasan..Nais kong patunayan na karapat dapat akong magtagumpay sapagkat kailangan, kailangan kong magtagumpay para sa ikagaganda at ikagaganda ng buhay ko, maging aking pamilya.




No comments:

Post a Comment