Add caption |
Ako si John Borris Tan Abril, nakatira sa pahatirang sulat sa , 050 Rosal Street, M. Leonor Subdivision, Barangay II-F, San Pablo City, Laguna, Philippines, area code 4000. Ako ay ipinanganak sa Laguna District Hospital na matatagpuan ditto San Pablo City noong January 24, 1989. Ako ang panganay sa dalawa naming magkapatid. Payat ang aking pangangatawan, matangkad din naman at katamtaman ang kulay ng balat, matangos ang ilong, kung minsan nga ang tawag sa akin ay si Mr. Bean dahil kasing tangos ko raw ang kanyang ilong, medyo malaki ang aking mata kahit na may lahi akong intsik, purong intsik kasi ang lolo ko kaya lang sa tatay ko ako nagmana ng mata na medyo malaki pero, maganda at bagay daw naman sa akin, tuwid ang aking buhok, wala man lang kahit konting kulot, sabi nga nila di ko na kailangan ang mag pa rebond at daig ko pa ang mga babae sa sobrang tuwid ng aking buhok.
Patay na ang lolo at lola ko sa panig ng aking ina, at sa parte naman ng aking ama ay lolo ko lang ang patay na, buhay pa ang lola ko na kung tawagin ko ay mommy din na kagaya ng tawag ng aking ama sa kanya. Mahal na mahal ko ang aking mommy. Dalawa kaming magkapatid, mas bata siya sa akin, babae siya, siya ay si Abbi-Gale Tan Abril. Ang pangalan ng aking ama ay Alexander Inumerable Abril, ang aking ina naman ay si Maria Victoria Tan Abril. Ang aking ama ay dating tricycle driver. Ang aking ina naman ay isang OFW sa Korea hanggang Ang lola ko naman ay nasa America ngayon na si Gng. Celestina Abril na siyang nag-asikaso sa akin simula maliit pa, siya rin ang nagpapa-aral sa akin ngayon.
Sa ngayon ako ay nag-aaral sa Colonel Lauro Dizon Memorial national High School, sa kasalukuyan ako ay 4th year high school, nalalapit na ang aming pagtatapos ngayong Marso. Hilig ko ang pagtutog ng drum, mahilig ako sa musika, magaling di akong tumugtog ng gitara. Marami akong kaibigan, hindi lamang sa loob ng paaralan kundi maging sa labas nito.kapag walang pasok, tumutulong ako sa aking tiya sa paglilinis sa libingan.Nais ko sanang makatapos sa kolehiyo kahit man lang vocational, gusto ko ng makapag-trabaho para man lang makatulong ako sa aking ama sa aming ikabubuhay hindi na kasi siya makapag tricycle dahil sa kanyang rayuma. Awang awa ako sa kanya sa tuwing siya ay sinusumpong ng kayang rayuma, halos di siya makalakad, di makatayong mag-isa, hindi gaanong makatulog dahil kumikirot daw, dahil pagang-paga ang kanyang mga paa.
Wala akong magawa kundi ang abutan siya ng gamot at kung minsan ay hilutin ang parte ng paa niyang masakit, sabi ko nga minsan sa sarili ko, sana kung pwede ko lang hiramin ang sakit na nararamdan niya, kahit minsan lang para man lang guminhawa ang kanyang pakiramdam kahit saglit lang. Marami akong pangarap sa buhay, na sana makatapos ako sa aking pag-aaral, na sana, sa hirap ng paghahanap ng trabaho ngayong panahon na ito ay makakuha agad ako, na sana makaahon kami sa hirap,Bihira akong makapunta sa maynila, minsan minsan lang kaya nga ng magkaroon kami ng field trip noong isang taon, sumama agad ako. Nagulat ako, ang laki na pala ng ipinagbago ng maynila, medyo maliit pa kasi ako ng huli akong makapunta doon. Kaya naman wala akong sinayang na panahon na ma-enjoy ang araw na iyon, ang saya saya ko. Pagkatapos ng aking pag aaral gusto ko sanang makarating sa abroad kahit saan, sa America, sa Saudi, sa China, sa buong mundo, okey lang yun kasi libre naman ang mangarap.
Masayahin akong tao, ayoko ng kwentuhan na malungkot, ng kwentuhan ng mga problema kasi kat-uwiran ko, hindi lahat ng yugto ng buhay ng tao ay ganoon, kailangan din nating maging Masaya ng sa ganoon, di agd tayo magmukhang matanda. Ngayong nalalapit na ang aming graduation, masayang masaya ako kami ng mga kaklase ko, masaya, pero naiisip ko rin na pagkatapos ng aming graduation, iiwan na naming ng tuluyan an gaming mahal na paaralan na matagal tagal din naming nakasama, kung saan mas matagal pa nga ang itinitigil naming dito kesa sa sarili naming bahay…at ang aming mga mahal na maestro at mga maestra, alam ko kahit na minsan o lagi man nila akong nasisita sa aking pag absent o kaya ay ang lagi kong late sa pagpasok alam ko, mahal din nila ako at ang buong estudyante sa eskwelahang iyon.At ang mga naging kaklase ko, simula ng ako ay mag first year dito sa paaralang ito sigurado ma mi miss ko silang. Alam ko magkikita pa uli kami, hindi na bilang mga estudyante kundi bilang mga matatagumpay ng mga negosyante o kung ano mang larangan ang aming mga pinili. Marami akong natutunan sa aming eskwelahan, kagaya ng paggamit ng computer na ngayon ay kailangang kailanga sa buong mundo. Ang aking kapatid na babae ay meron ng asawa at meron na rin siyang anak na dalawang magagandang bata, mahal na mahal ko.
Dito ako nag aral ng elementary sa malapit lang na eskwelahan sa amin, nilalakad ko lang ito tuwing umaga. Ang pangalan din nito ay kagaya ng pangalan ng pinapasukan ko ngayon, Col. Lauro Dizon Elementary school. Marami din akong naging kaibigan dito at karamihan sa mga ito ay meron na silang mga asawa at mga anak. nag aral din ako sa central school at d2 ako nka tapos ng elementary, sa unang pagpasok ko sa high school annex 5 pa ang pangalan hindi pa dizon high mga isang linggo lang ang itinagal ko, tapos tumigil n rin ako ang edad ko lang noon eh 13years old lang ako noon.lumipat naman ako sa city high main noong taong 2002 hindi rin ako tumagal tumigil ako nung augost 21, 2002, tapos tumigil ako ng ilang taon. pumasok ulit ako ang section noon ay 1-P ang aking adviser ay c girlie deomano, at sa kasalukuyan ay mrs bondad na. Nang ako ay naging 2ndyear n ky mam bidula nman ako II-M naman ang aking section d2 ko nkilala ang aking unang ka banda n cna billy merano, noon hindi ako tmagal tigil na naman.
Pasok ulit ng 2nd year taong 2007 dito n ko naging membro ng isang kapatiran kilala sa pangalan na TAU GAMMA PHI kaya ako naging membro nito ay intirisado akong malaman kung ano ba yung fraternity at kung ano meron sa ganitong organisasyon. Nung una masaya may bagong kaibigan, kakilala, astig,. Pero ngayon na pag isip isip ko na hindi pala kailangan ng frat dahil my mga kaibigan din naman ako. Mas maganda rin ang wala kasi malayo sa gulo at kung ano pa. Hindi ko pa pangarap ang mag asawa, gusto ko pang marating ang aking mga pangarap pero di ko sila sinisisi sa kanilang mga naging desisyon sa maagang pag aasawa, doon sila masaya.Gusto ko sana magkaroon ng pagkakakitaan habang nag aaral ng sa ganon di na ako gaanong iniintindi ni mommy sa budget sa pagpasok, konti na lang.
Dati kumuha ako ng ecceleration test, hindi ako pumasa, sayang, sana college na ako at malapit na rin sigurong matapos, sayang. Pero ok lang iyon siguro, mas may maganda pang ibibigay sa kin ang Diyos. Dumaan ang tag lamig, at talaga naming napaka- ginaw halos ayaw ko ng maligo sa umaga bago pumasok sa eskwelahan, nagkasakit pa nga ako, akala ko nga din a matatapos ang aking ubo at sipon, sa awa naman ng Diyos nawala din ang mga ito. Kapag walang pasok, pinatatawag ako ng aking tiya upang itulong sa paglilinis ng kanilang bahay kasi alam niya na masipag ako kaya ako lagi ang tinatawag niya, di kasi ako mareklamong tao, basta kaya ko rin lang , gawa lang ako ng gawa, wala ng utos utos pa, tapos kung tapos. Palibhasa nga payat ang katawan ko kaya maliksi akong utusan. Pumupunta ako paminsan minsan sa bahay ng mga tiyo at tiya ko sa parte ng aking ina, pero bihira lang iyon.
Ang aking ina naman ay bihirang umuwi ng Pilipinas halos doon na siya namalagi sa Korea, nakakausap ko naman siya pero bihira din lang kasi nga busy rin siguro siya sa kanyang trabaho doon kaya bihira siyang makatawag sa akin. Naiintindihan ko naman siya kahit kung minsan ay hindi na rin, siguro dala na rin ng kabataan kaya kung minsan ay nakitid ang aking pang unawa. Pero mahal na mahal ko ang aking mga magulang kahit alam kong marami silang pagkukulang sa akin at sa aking kapatid bilang kanilang mga anak.Nang minsan nawala ang aking rubber shoes na padala ng aking ina, hinalungkat ko na ang buong bahay pero di ko pa rin makita ang rubber shoes ko, kaya naisip ko baka napasok kami ng mga magnanakaw, sabi ko paano na kaya yan wala na akong gagamiting rubber shoes sa pe namin at pag ako ay may pupuntahan, wala akong magagamit na rubber shoes, nang isang araw bigla na lang dumating ang package na padala ni mommy galling America, salamat na lang po kamo at may pinadala ring rubber shoes para sa akin si mommy, salamat po.
Ang lola ko wala siyang paboritong apo, lahat kami mahal niya pero alam ko mas mahal ako kasi ako lagi ang tinatanong niya tuwing tatawag siya. Sana magkaroon ako ng sarili kong computer, hindi dahil sa kung ano pa man, gusto kong magkaroon nito para sa aking pag aaral at sa pagdating ng panahon ay ito na rin ang maging paraan para makapag apply ako ng trabaho, ditto man sa Pinas o sa abroad man gamit itong computer kasi sa panahong ito napaka rami na ang mga taong natulungan na magkaroon ng trabaho dito o sa labas ng Pinas gamit ito.
Ito na kasi ang kadalasang gamit ng mga tao sa pag aaply o sa paggawa din ng kanilang mga trabahong di natapos sa office. Noong nakaraan junior – senior prom o kaya naman ay js kung tawagin ng mga estudyante, ay napakasaya rin, walang gulong naganap sa buong gabing iyon Huling taon ko na ito ng js kaya naman sinamantala ko na ang kasiyahan, isinayaw ko ng isinayaw ang aking mga kaibigan. Pinagbigyan kami ng Diyos kasi ng medyo maaga pa eh umuulan pero ng magsimula na na party, nawala na ang ulan hanggang sa matapos ang party, hindi na umulan. Pagkatapos ng js prom, dumaan kami ng mga kaibigan ko sa lugaw queen, kumain kami ng lugaw para medyo mawala ang aming gutom at pati na rin ang ginaw ng madaling araw…hay ang sarap maging bata o kabataan.
Ngayon darating na katapusan ng Marso maaaring dumating ang lola ko, kasi sabi niya gusto niya akong panoorin sa aking graduation. Sana nga ay makarating siya sa isa sa mahalagang okasyon ng aking buhay. Ilan kami sa aking mga pinsan ay ga – graduate, isang ga graduate ng nursing sa LC, pinsan ko na anak ng kapatid ng ama ko , isa namang elementary na pinsan ko ring buo, na anak din ng kapatid ng ama ko at ako, kaya nga ang saya, baka sakaling gawing isa na lang ang handaan kung may pera pero kung wala naman eh di sisimba na lang kami, pasasalamat sa ating panginoon at nakatapos na kami ng kaunting yugto n gaming mga buhay.
Kahit ganito ako, mahiyain ako, hindi ang tipo ko ang basta na lang nanghihingi o kaya basta na lang nakikisabat sa usapan o kaya naman ay basta na lang nakikikain sa mga handaan kahit pa nga sabihing imbitado ako sa isang okasyon di rin ako agad napunta kung wala rin lang akong regalo sa may pa okasyon. Gusto ko sana pagdating ng lola galing sa America masabi ko sa kaya na, salamat po sa inyong pag aalaga sa akin simula ng ako ay bata pa, na hanggang ngayon ay siya pa rin ang nag papaaral sa akin, na sana ay huwag siyang magsawa kasi talagang pinipilit kong makatapos ng pag aaral upang sa ganoon pagdating panahon at ako naman ang tutulong sa kanya o di man ay sa mga pinsan ko ring di masyadong may kaya sa buhay na di kayang papag aralin ng kanilang mga magulang.
Sana bigyan pa ng ating panginoon ang ang aking lola ng mahabang buhay at malusog na pangagatawan ng sa ganoon ay Makita pa niya ang aking magiging tagumpay sa mga darating na panahon at ganoon din sa aking mga naging guro na nagtiis sa aking kakulitan at katigasan minsan ng ulo na nawa’y bigyan pa kayong lahat ng ating panginoon malusog na pangagatawan, tibay ng loob at mas malawak pang pang unawa sa mga darating na mga bagong estudynte, na mas makukulit, mas matitigas ang ulo.
Sana po pagdating ng panahon o tamang panahon ay babalik ako sa ating paaralan upang mangamusta sa aking mga mahal na guro ay naroon pa rin kayong lahat at kung wala man kayo sa ating paaralan ay mas successful na rin ang ating lahat ng buhay na punong puno ng pagmamahal at tagumpay kasama ang ating kanya kanyang mga mahal sa buhay, at punong puno tayo ng pananalig sa ating panginoon. Sana sa madaling na, mas lalo pang umunlad ang ating paaralan, mas lalo pa itong mapaganda ng ating lokal na pamahalaan dahil isa ito sa haligi ng ating bayan na pinagmumulan ng mga bagong mamumuno sa ating komunidad. PATNUBAYAN NAWA TAYONG LAHAT NG ATING PANGINOON….
John Borris Tan Abril