Sunday, March 13, 2011

Ang Talambuhay Ni John Borris Abril

Ako si John Borris Tan Abril, nakatira sa pahatirang sulat sa , 050 Rosal Street, M. Leonor Subdivision, Barangay II-F, San Pablo City, Laguna, Philippines, area code 4000. Ako ay ipinanganak sa Laguna District Hospital na matatagpuan ditto San Pablo City noong January 24, 1989. Ako ang panganay sa dalawa naming magkapatid. Payat ang aking pangangatawan, matangkad din naman at katamtaman ang kulay ng balat, matangos ang ilong, kung minsan nga ang tawag sa akin ay si Mr. Bean dahil kasing tangos ko raw ang kanyang ilong, medyo malaki ang aking mata kahit na may lahi akong intsik, purong intsik kasi ang lolo ko kaya lang sa tatay ko ako nagmana ng mata na medyo malaki pero, maganda at bagay daw naman sa akin, tuwid ang aking buhok, wala man lang kahit konting kulot, sabi nga nila di ko na kailangan ang mag pa rebond at daig ko pa ang mga babae sa sobrang tuwid ng aking buhok.


Patay na ang lolo at lola ko sa panig ng aking ina, at sa parte naman ng aking ama ay lolo ko lang ang patay na, buhay pa ang lola ko na kung tawagin ko ay mommy din na kagaya ng tawag ng aking ama sa kanya. Mahal na mahal ko ang aking mommy. Dalawa kaming magkapatid, mas bata siya sa akin, babae siya, siya ay si Abbi-Gale Tan Abril. Ang pangalan ng aking ama ay Alexander Inumerable Abril, ang aking ina naman ay si Maria Victoria Tan Abril. Ang aking ama ay dating tricycle driver. Ang aking ina naman ay isang OFW sa Korea hanggang Ang lola ko naman ay nasa America ngayon na si Gng. Celestina Abril na siyang nag-asikaso sa akin simula maliit pa, siya rin ang nagpapa-aral sa akin ngayon.

Sa ngayon ako ay nag-aaral sa Colonel Lauro Dizon Memorial national High School, sa kasalukuyan ako ay 4th year high school, nalalapit na ang aming pagtatapos ngayong Marso. Hilig ko ang pagtutog ng drum, mahilig ako sa musika, magaling di akong tumugtog ng gitara. Marami akong kaibigan, hindi lamang sa loob ng paaralan kundi maging sa labas nito.kapag walang pasok, tumutulong ako sa aking tiya sa paglilinis sa libingan.Nais ko sanang makatapos sa kolehiyo kahit man lang vocational, gusto ko ng makapag-trabaho para man lang makatulong ako sa aking ama sa aming ikabubuhay hindi na kasi siya makapag tricycle dahil sa kanyang rayuma. Awang awa ako sa kanya sa tuwing siya ay sinusumpong ng kayang rayuma, halos di siya makalakad, di makatayong mag-isa, hindi gaanong makatulog dahil kumikirot daw, dahil pagang-paga ang kanyang mga paa.


 Wala akong magawa kundi ang abutan siya ng gamot at kung minsan ay hilutin ang parte ng paa niyang masakit, sabi ko nga minsan sa sarili ko, sana kung pwede ko lang hiramin ang sakit na nararamdan niya, kahit minsan lang para man lang guminhawa ang kanyang pakiramdam kahit saglit lang. Marami akong pangarap sa buhay, na sana makatapos ako sa aking pag-aaral, na sana, sa hirap ng paghahanap ng trabaho ngayong panahon na ito ay makakuha agad ako, na sana makaahon kami sa hirap,Bihira akong makapunta sa maynila, minsan minsan lang kaya nga ng magkaroon kami ng field trip noong isang taon, sumama agad ako. Nagulat ako, ang laki na pala ng ipinagbago ng maynila, medyo maliit pa kasi ako ng huli akong makapunta doon. Kaya naman wala akong sinayang na panahon na ma-enjoy ang araw na iyon, ang saya saya ko. Pagkatapos ng aking pag aaral gusto ko sanang makarating sa abroad kahit saan, sa America, sa Saudi, sa China, sa buong mundo, okey lang yun kasi libre naman ang mangarap.


Masayahin akong tao, ayoko ng kwentuhan na malungkot, ng kwentuhan ng mga problema kasi kat-uwiran ko, hindi lahat ng yugto ng buhay ng tao ay ganoon, kailangan din nating maging Masaya ng sa ganoon, di agd tayo magmukhang matanda. Ngayong nalalapit na ang aming graduation, masayang masaya ako kami ng mga kaklase ko, masaya, pero naiisip ko rin na pagkatapos ng aming graduation, iiwan na naming ng tuluyan an gaming mahal na paaralan na matagal tagal din naming nakasama, kung saan mas matagal pa nga ang itinitigil naming dito kesa sa sarili naming bahay…at an gaming mga mahal na maestro at mga maestro, alam ko kahit na minsan o lagi man nila akong nasisita sa aking pag absent o kaya ay ang lagi kong late sa pagpasok alam ko, mahal din nila ako at ang buong estudyante sa eskwelahang iyon.At ang mga naging kaklase ko, simula ng ako ay mag first year dito sa paaralang ito sigurado ma mi miss ko silang. Alam ko magkikita pa uli kami, hindi na bilang mga estudyante kundi bilang mga matatagumpay ng mga negosyante o kung ano mang larangan ang aming mga pinili. Marami akong natutunan sa aming eskwelahan, kagaya ng paggamit ng computer na ngayon ay kailangang kailanga sa buong mundo. Ang aking kapatid na babae ay meron ng asawa at meron na rin siyang anak na dalawang magagandang bata, mahal na mahal ko.


 Dito ako nag aral ng elementary sa malapit lang na eskwelahan sa amin, nilalakad ko lang ito tuwing umaga. Ang pangalan din nito ay kagaya ng pangalan ng pinapasukan ko ngayon, Col. Lauro Dizon Elementary school. Marami din akong naging kaibigan dito at karamihan sa mga ito ay meron na silang mga asawa at mga anak. nag aral din ako sa central school at d2 ako nka tapos ng elementary, sa unang pagpasok ko sa high school annex 5 pa ang pangalan hindi pa dizon high mga isang linggo lang ang itinagal ko, tapos tumigil n rin ako ang edad ko lang noon eh 13years old lang ako noon.lumipat naman ako sa city high main noong taong 2002 hindi rin ako tumagal tumigil ako nung augost 21, 2002, tapos tumigil ako ng ilang taon. pumasok ulit ako ang section noon ay 1-P ang aking adviser ay c girlie deomano, at sa kasalukuyan ay mrs bondad na. Nang ako ay naging 2ndyear n ky mam bidula nman ako II-M naman ang aking section d2 ko nkilala ang aking unang ka banda n cna billy merano, noon hindi ako tmagal tigil na naman.


 Pasok ulit ng 2nd year  taong 2007 dito n ko  naging membro ng isang kapatiran kilala sa pangalan n TAU GAMMA PHI kaya ako naging membro nito ay intirisado akong malaman kung ano ba yung fraternity at kung ano meron sa ganitong organisasyon. Nung una masaya may bagong kaibigan, kakilala, astig,. Pero ngayon na pag isip isip ko na hindi pala kailangan ng frat dahil my mga kaibigan din naman ako. Mas maganda rin ang wala kasi malayo sa gulo at kung ano pa. Hindi ko pa pangarap ang mag asawa, gusto ko pang marating ang aking mga pangarap pero di ko sila sinisisi sa kanilang mga naging desisyon sa maagang pag aasawa, doon sila masaya.Gusto ko sana magkaroon ng pagkakakitaan habang nag aaral ng sa ganon di na ako gaanong iniintindi ni mommy sa budget sa pagpasok, konti na lang.


 Dati kumuha ako ng ecceleration test, hindi ako pumasa, sayang, sana college na ako at malapit na rin sigurong matapos, sayang. Pero ok lang iyon siguro, mas may maganda pang ibibigay sa kin ang Diyos. Dumaan ang tag lamig, at talaga naming napaka- ginaw halos ayaw ko ng maligo sa umaga bago pumasok sa eskwelahan, nagkasakit pa nga ako, akala ko nga din a matatapos ang aking ubo at sipon, sa awa naman ng Diyos nawala din ang mga ito. Kapag walang pasok, pinatatawag ako ng aking tiya upang itulong sa paglilinis ng kanilang bahay kasi alam niya na masipag ako kaya ako lagi ang tinatawag niya, di kasi ako mareklamong tao, basta kaya ko rin lang , gawa lang ako ng gawa, wala ng utos utos pa, tapos kung tapos. Palibhasa nga payat ang katawan ko kaya maliksi akong utusan. Pumupunta ako paminsan minsan sa bahay ng mga tiyo at tiya ko sa parte ng aking ina, pero bihira lang iyon.

Ang aking ina naman ay bihirang umuwi ng Pilipinas halos doon na siya namalagi sa Korea, nakakausap ko naman siya pero bihira din lang kasi nga busy rin siguro siya sa kanyang trabaho doon kaya bihira siyang makatawag sa akin. Naiintindihan ko naman siya kahit kung minsan ay hindi na rin, siguro dala na rin ng kabataan kaya kung minsan ay nakitid ang aking pang unawa. Pero mahal na mahal ko ang aking mga magulang kahit alam kong marami silang pagkukulang sa akin at sa aking kapatid bilang kanilang mga anak.Nang minsan nawala ang aking rubber shoes na padala ng aking ina, hinalungkat ko na ang buong bahay pero di ko pa rin makita ang rubber shoes ko, kaya naisip ko baka napasok kami ng mga magnanakaw, sabi ko paano na kaya yan wala na akong gagamiting rubber shoes sa pe namin at pag ako ay may pupuntahan, wala akong magagamit na rubber shoes, nang isang araw bigla na lang dumating ang package na padala ni mommy galling America, salamat na lang po kamo at may pinadala ring rubber shoes para sa akin si mommy, salamat po.


Ang lola ko wala siyang paboritong apo, lahat kami mahal niya pero alam ko mas mahal ako kasi ako lagi ang tinatanong niya tuwing tatawag siya. Sana magkaroon ako ng sarili kong computer, hindi dahil sa kung ano pa man, gusto kong magkaroon nito para sa aking pag aaral at sa pagdating ng panahon ay ito na rin ang maging paraan para makapag apply ako ng trabaho, dito man sa Pinas o sa abroad man gamit itong computer kasi sa panahong ito napaka rami na ang mga taong natulungan na magkaroon ng trabaho dito o sa labas ng Pinas gamit ito. Ito na kasi ang kadalasang gamit ng mga tao sa pag aaply o sa paggawa din ng kanilang mga trabahong di natapos sa office.

Noong nakaraan junior – senior prom o kaya naman ay js kung tawagin ng mga estudyante, ay napakasaya rin, walang gulong naganap sa buong gabing iyon Huling taon ko na ito ng js kaya naman sinamantala ko na ang kasiyahan, isinayaw ko ng isinayaw ang aking mga kaibigan. Pinagbigyan kami ng Diyos kasi ng medyo maaga pa eh umuulan pero ng magsimula na na party, nawala na ang ulan hanggang sa matapos ang party, hindi na umulan. Pagkatapos ng js prom, dumaan kami ng mga kaibigan ko sa lugaw queen, kumain kami ng lugaw para medyo mawala ang aming gutom at pati na rin ang ginaw ng madaling araw…hay ang sarap maging bata o kabataan.


Ngayon darating na katapusan ng Marso maaaring dumating ang lola ko, kasi sabi niya gusto niya akong panoorin sa aking graduation. Sana nga ay makarating siya sa isa sa mahalagang okasyon ng aking buhay. Ilan kami sa aking mga pinsan ay ga – graduate, isang ga graduate ng nursing sa LC, pinsan ko na anak ng kapatid ng ama ko , isa namang elementary na pinsan ko ring buo, na anak din ng kapatid ng ama ko at ako, kaya nga ang saya, baka sakaling gawing isa na lang ang handaan kung may pera pero kung wala naman eh di sisimba na lang kami, pasasalamat sa ating panginoon at nakatapos na kami ng kaunting yugto n gaming mga buhay.


Kahit ganito ako, mahiyain ako, hindi ang tipo ko ang basta na lang nanghihingi o kaya basta na lang nakikisabat sa usapan o kaya naman ay basta na lang nakikikain sa mga handaan kahit pa nga sabihing imbitado ako sa isang okasyon di rin ako agad napunta kung wala rin lang akong regalo sa may pa okasyon. Gusto ko sana pagdating ng lola galing sa America masabi ko sa kaya na, salamat po sa inyong pag aalaga sa akin simula ng ako ay bata pa, na hanggang ngayon ay siya pa rin ang nag papaaral sa akin, na sana ay huwag siyang magsawa kasi talagang pinipilit kong makatapos ng pag aaral upang sa ganoon pagdating panahon at ako naman ang tutulong sa kanya o di man ay sa mga pinsan ko ring di masyadong may kaya sa buhay na di kayang papag aralin ng kanilang mga magulang.



Sana bigyan pa ng ating panginoon ang ang aking lola ng mahabang buhay at malusog na pangagatawan ng sa ganoon ay Makita pa niya ang aking magiging tagumpay sa mga darating na panahon at ganoon din sa aking mga naging guro na nagtiis sa aking kakulitan at katigasan minsan ng ulo na nawa’y bigyan pa kayong lahat ng ating panginoon malusog na pangagatawan, tibay ng loob at mas malawak pang pang unawa sa mga darating na mga bagong estudynte, na mas makukulit, mas matitigas ang ulo.

Sana po pagdating ng panahon o tamang panahon ay babalik ako sa ating paaralan upang mangamusta sa aking mga mahal na guro ay naroon pa rin kayong lahat at kung wala man kayo sa ating paaralan ay mas successful na rin ang ating lahat ng buhay na punong puno ng pagmamahal at tagumpay kasama ang ating kanya kanyang mga mahal sa buhay, at punong puno tayo ng pananalig sa ating panginoon. Sana sa madaling na, mas lalo pang umunlad ang ating paaralan, mas lalo pa itong mapaganda ng ating lokal na pamahalaan dahil isa ito sa haligi ng ating bayan na pinagmumulan ng mga bagong mamumuno sa ating komunidad. PATNUBAYAN NAWA TAYONG LAHAT NG ATING PANGINOON….

John Borris Tan Abril







Sunday, February 27, 2011

Ang talambuhay ni Maria.Ellaine Panganiban Espinosa


           
noong Baby pa cuh
        Nais ko pong ibahagi ang kwento ng aking buhay, simula nuong aking pagkabata hanggang sa edad ko ngayong limampu(15).
Iba’t ibang karanasang may masaya at malulungkot na pangyayari na aking ipinagmamalaking natagumpayan kong kaharapin sa tulong ng mga taong nagmamahal sa akin at nag-aaruga.

       
        Ako po si Ma. Ellaine Panganiban Espinosa, labing-limang(15)taong gulang na nakatira sa Brgy, Soledad,  San Pablo City. Apat kaming magkakapatid, at ang aking mga magulang ay sina Lorna Moog Panganiban at ang aking ama naman ay si Chanito Belo Espinosa. Ipinanganak ako sa San Pablo City, pangalawa ako sa aming apat na magkakapatid. Ang aking ate ay tatlong taon gulang palang nuon ay siya na ang nag-aalaga sa akin, at nagbigay ng palayaw sa aking “D.J”, at hanggang ngayon ganun pa din ang ngalan ko.
        Bininyagan ako sa simbahang Nuestra Senora de Soledad. Ang aking ninang at ninong na malapit sa akin ay sina Alvin Perez at Lannie Panganiban, sila ang nag-aalaga sa akin nong panahong walang nag-aaruga sa akin.
kapag wala ang inay:)
Nuong nasa edad na kong anim(6),pumasok na ako ng Kinder Garten, lagi akong hatid sundo ng aking ina. Sapagkat ayokong mahiwalay ng matagal na oras sa kanya kaya di ko mapigilang umiyak. Hindi pa ganung kadali sa aking nung bata pa ako na mag isa dahil nasanay akong nasa tabi ko lang ang aking ina palagi. Ngunit kinalaunan ay nasasanay na din akong magpaiwan sa aking ina pag pumapasok dahil sa alam ko naman na para sa ikakabuti ko din iyon at marami na din akong mga kaibigan na alam kong maari akong makipaglaro at makihalubilo sa kanila ng Masaya. Maraming gawain na pinapagawa ang aking guro nuon sa amin at masaya ko itong ginagawa kasama ang aking mga kaklase.
Nagdaan na ang ilang buwan at narating ko na ang Unang Baitang ng Elementarya sa Paaralan ng Soledad. Panibagong pakikisama na naman.Nang ako ay mag punta sa unang baiting at nakahanap na ulit ng panibagong mga kaibigan.Masaya ako at dahil unti-unti nang nag kakaisip madami kaming ginagawa na ikakagalit n gaming guro, nag-lalaro kami kahit may klase at labas pa ng labas ng walang dahilan kung kayat laging galit na galit an gaming guro.
Nang mag B-day ang bunso kong kapatid ay inimbitahan nang aking ina ang aking mga kaklase na pumunta sa amin at mag salu-salo.Sama-sama at barkadahan kaming pumunta sa amin at kumain,gala at nag saya.

Nag bakasyon na naman atn tigil na naman sa bahay ang mga kalaro ko na ay ang aking mga kapatid sa pag lalaro naming iyon doon ako ay ay na-aksidente dahil sa pag kaumpog sa kantuhan n gaming bahay dahil sa kalikutan nasaktan na nga ay na gulpi pa ng aking ina.Kapag taps na sa mga gawaing bahay nag-iisip kami ng mga laro at gagawin naming mag-kakapatid.nang huhuli nkami ng mga tutubi at gagamba sa sukalan,kapag may nakitang mangga at bayabas ay aakyatin namin at papaltukin.
Kapag humahapon na ay na-uwi at gulpi na naman dahil sabi nila natawag daw sila ay di pa naming rinig.Pero sa pag uwi kong iyon ay may magandang balita na sinabi ang aking ina.dahil sa calihan daw ay may gaganaping Singing Contest.Isang lingo rin akong nag praktis noon dahil kinaylangan kong sumali noon dahil sa kakapusan sa pera.Hindi ko lubos maisip na mananalo ako.L      aking tuwa ng mga magulang ko nang nanalo ako.Nag papasalamat ako sa panginoon dahil binigyan ako ng magandang boses.

Makalipas nang ilang taon nasa ikalimang baiting na ako.Sumali naman ako ng Mardigras,sinuportahan ng aking ama dahil siya ang naging service namin kapag kung saan saan nag papraktis.
Madami na rin akong lugar na napupuntahan sa pag papraktis dahil doon madami ulit akong naging kaybigan.ang mga lugar na aming napuntahan ay San Anton,Teomora,San Gabriel at San Miguel.dahil nga ang aking Ama ang service namin kaya ako ay libre na.Dumating ang araw na aking pinaka hihintay sumayaw na kami nakaka-inis lang kasi umulan. Sa pag Sali ko nga doon ay nag karoon ako ng karag dagang marka.Kahit di ako nakaka attend n gaming klase ay naka pasa pa rin ako.

 Ika-anim na baiting na ako ay pa hirap na ng pa hirap an gaming mga aralin.Pa iba-iba rin ng mga guro.Mahirap na nga ang klase ay pag uwi pa sa bahay ay maaabutan ko pa ang aking ama at ina na nag aaway.Kahit  bata pa man ako ay madami na akong pag subok at problema sa buhay na hindi ganun kadali na kaharapin pero bilang isang responsable at mapagunawang tao,nilalakasan ko ang loob ko para sa ikakabuti na lamang naming lahat.

Nagkaroon ulit ng Intramurals. Araw araw kaming nag papraktis ng sayaw at parade. Dahil sa pagsali duon, nagkaroon ulit ako ng karagdagang marka kaya nakapasa ako ng Grade 6. Sa pagGraduate ko,ang aking kapiling noon ay ang aking butihing lola dahil sa wala ang aking ina na dapat kong kasama sa pinaka importanteng araw sa buhay ko dahil sa siya ay nagtungo sa ibang bansa para sa pantustus sa pag-aaral naming magkakapatid. Gayunpaman, Masaya ako sapagkat lahat sila ay magagalak na masilayan ang aking pagtatapos sa Elementarya. Nagkaroon kami ng konting pagsasalo-salo na kung saan lahat ng mahal ko sa buhay ay naroroon upang batiin ako.

April 20, 2005, ang aking kaarawan. Hindi ako Masaya dahil wala nga ang aking ina kahit nandun ang aking pamilya hindi pa din ako makuntento sa kawalan ng aking ina. Matagal kong hinangad na makapiling ko siya at makasama sa araw ng aking Kaarawan. Dumating na ang bakasyon kaya parati nalang akong nasa bahay,laging inuutusan at naglilinis ng bahay na pag hindi ko ginawa, katakut takut na sermon aabutin ko kay lola kaya wala na kong magawa kundi gawin lahat ng gusto niyang ipagawa sa akin. Pagkalipas ng ilang buwan, araw ko para magenrol sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School, ito ang paaralang napili ko upang magaral ng sekundarya sapagkat ang pagkakaalam ko ay maganda ang aral dito. Kinalaunan ay natanggap na nga ako.

Araw na nag pasukan (June 3, 2005), nakapasok na ako bilang Unang Baitang ng Sekundarya at duun ko nga maranasan kung gaanu kahirap ang High School ang dami na agad dapat gawin na hindi ko naman inaasahan na mararanasan ko dun ngunit sa kabila ng lahat ng yun ay Masaya parin ako na marami akong kaibigan na nakilala at makikilala pa sa susunod na mga buwan at taon na darating pa. Sa unang araw na iyon ay di pa ako masyadong bihasa sa mga pasikot sikot duon kaya di ko maiwasang mapatulala nalng at matawa sa sarili ko,iniisip ko nalang na kaya ko to!!. Na bilang estudyante kinakailangan na maging responsable at mabuting magaaral para sa ikakabuti ng aking kinabukasan..Nais kong patunayan na karapat dapat akong magtagumpay sapagkat kailangan, kailangan kong magtagumpay para sa ikagaganda at ikagaganda ng buhay ko, maging aking pamilya.




Wednesday, February 23, 2011

Ang Talambuhay ni Vanessa Airies Baguna (ang happy go lucky nang barkada)

when i was in gradeIII 
    Ako si Vanessa Airies Landicho Baguna.Ipinanganak ako noong ika-17 nang Hulyo taong 1994 sa San Pablo District Hospital.Ang aking magulang ay si Armando Baguna at si Marina Baguna.Ang aking mga kapatid naman ay si Leslie Baguna an gaming panganay at si Jerome Baguna ang pangalawa.Kami ay tatlong magkakapatid at ako ang bunso.Ang kwento nang aking ina nung nasa sinapupunan daw nya ako ay sobra daw syang nhirapan.Masyado daw akong malikot sa kanyang tiyan.Mabilis naman daw nya akong nailuwalng normal.Nang baby daw ako madalas daw magalit ang aking ama sapagkat wala daw akong ginawa kundi ang umiyak nang umiyak kaya laging wala sya sa aming bahay dahil naririndi daw ito sa aking mga pag-iyak.Simula daw nang isinilang ako hanggang sa mag isang taon ay hindi pa daw ako nabubuhat nang aking ama.Hindi daw ito mahilig mag alaga nang bata at lagi daw siyang nasa trabaho.  
      Ako ay bininyagan noong ako ay apat na buwan palang.Sinabay daw ito sa kapyestahan nang aming barangay para daw isang handaan nlang.Isang pares lang nang ninong at ninang ang kinuha nang aking magulang kaya pag dating nang kapaskohan malungkot ako kasi konti lang ang aking nagiging pera.Tinanong ko sila kung baket isang pares lang ang sabi naman nang aking ina wala daw syang makuhang iba.Ang aking ninong pa ay ang kapatid nang aking ama na wala pang trabaho.Ang aking ninang naman ay medyo may kaya sa buhay at hindi sya nawawalan nang ibinibigay sa akin.      
latest picture
   Ang aking unang kaarawan ay naging magastos  daw dahil marami kaming naging bisita kaya nag handa sila nang marami.Ang mga bata ay tuwang-tuwa dahil marami daw nagging palaro.Marami akong natanggap na regalo galing sa ilang kapitbahay at kamag-anak. Ang kwento nang aking ina natuto daw akong maglakad noong isang taon at isang buwan ako.Lagi daw akong nadadapa kaya madalas nlang nya akong buhatin.Noong tatlong taon gulang daw ako lagi ko daw inaaway ang mga kalaro koka ya lagi din daw nya akong napapalo at hindi pinapalabas nang bahay.Sabi nang aming nga kapitbahay sobra daw akong madaldal at makulit noong bata ako.Hanggang ngayon daw ay ganun pa rin daw ako.Apat na taong gulang daw ako nang tinuruan akong magbasa,magbilang at sumulat nang aking ina.Hindi naman daw sya nahirapan sa akin dahil mahilig daw akong humawak nang papel at lapis. 
       Nagsimula na akong mag-aral nung limang taon ako.Pumasok ako sa IV-B Day Care Center.Marami akong naging kasundo kahit ang aming teacher ay naging kabiruan ko din.Sa tuwing walang pasok madalas kaming maglaro nang bahay-bahayan.Nagkatuwaan kami kaya naisipan namin na umakyat sa puno.Sa sobrabg dami at likot namin sa puno bigla itong naputol.Nahulog kaming lahat at nagkaipitan.Nabalian ako sa kamay habang ang mga kalaro ko ay nag iiyakan.Pag-uwi ko sa aming bahay ay imbis na hilutin ang aking kamay ay pinalo at pinagalitan pa ako.Kung hindi daw sana ako nalabas nang bahay hindi daw sana ako masasaktan.Simula noon hindi na muli kami umakyat sa puno.    
elementary graduation
    Nag-aral naman ako nang elementarya sa Central School.Marami agad akong nakilala at naging kaibigan sa simula pa lamang nang eskwela.May naging kaaway din akong lalaki madalas nya akong asarin.Habang nagsusulat ako sinisipa nya ang aking upuan kaya hindi ako nakapagpigil kaya nasaksak ko sya nang lapis sa likod.Nagsumbong sya sa aming teachar at oinagalitan ako.Kinabukasan pagpasok ko kasama na nya ang kanyang magulang natakot ako kaya hindi na lamang ako pumasok.Simula non hindi ko na sya pinapansin at hindi na rin nya ako inaasar.Noong grade-II naman ako halos lahat nang kaklase ko ay kasundo ko .May naging bestfriend ako madalas nya akong sinasama sa kanilang bahay at sorang bait sa akin nang kanyang ina.Madalas din akong isama nang iba ko pang kaklase kung saan-saan. Lagi kaming lumiliban sa klase para lang makapaggala.Nalaman nang aking ina ang mag pinaggagawa ko kaya naman nang matapos ko ang gradeII inilipat na nya ako nang mas pinakamalapit na paaralan.Sa Brgy. Sta. Catalina Elementary School ko pinag patuloy ang aking pag aaral.Noong unang pagpasok ko dun nagging kasundo ko na agd an gaming kapitbahay at naging bestfriend ko sya pero hindi ko akalain na pagkukuhanan nya ako nang mga gamit.Binigyan ako nang aking tita nang isang relo  subalit wala pang isang lingo ay nawala na agad ito sa akin.Kinabukasan nakita ko na lamang ito sa bahay nang bestfriend ko.Tinanong ko sya kung bakit nasa kanilang bahay ang aking relo ang sabi nya ay nasimot lang daw nya ito sabi ko naman dapat binalik nya ito sa akin kasi alam naman nya na akin yon bigla nalang syang tumakbo pauwi sa kanila.Simula noon hindi ko na sya ulit pinansin.Nang matapos ko ang gradeIV nakatanggap ako nang tatlong parangal.Naging Best in Performing Arts ako,3rd placer sa Mathematics at nakasama din ako sa mga achiever.      

sudoku winner
       Nag-aral naman ako nang High School sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School.Napapunta naman ako sa mataas na section 1-B.Lahat nang aking mag kaklase ay matatalin.Ganun pa man hindi prin ako nag pahuli.Nakipagsabayan ako sa kanila hanggang sa kaya ko.Nang natapos ko ang first year,konti lang ang naging absent kokasi natakot akong malampasan nang aralin kaya kahit pamasahe lang pumapasok parin ako .Pgdating ko nang second year sa 2-c sana ako kaso hindi agad ako nakapag-enroll kaya napunta ako sa 2-h.Hindi ko inaasahan na mapapapunta ako sa ganung section.Sa sobrang hiya ko hindi ako pumapasok.Sa hindi ko pag pasok nakakilala ako nang mga hindi rin napasok katukad ko.Sila ang lagi kong kasama.Natuto akong mag-inom nang alak na para bang wala nang katapusan.Minsan ang buong iasang linggo naming ay napupunta lang sa pag-iinom.Hanggang sa hindi na ako tinanggap sa klase dahil apat na buwan akong hindi nagpakita sa aming klase.Nalaman nang aking magulang ang mga ginagawa ko at ang hindi ko pag pasok.Pagdating nang nobyembre hindi na nila ako pinapasok pa.Halos nagging katulong ako sa aming bahay.Wala akong ginawa kundi ang maglaba,mamalantsa at ang maglinis nang bahay.Naawa ako sa aking sarili,nalaman ko ang kahalagahan nang pag aaralan at nakita ko din ang aking magiging buhay kung wala akong matatapos.Nasabi ko na lang sa aking sarili sana hindi ko nalang sinayang ang pagkakaton na makapag aral.Sumunod na taon,muli akong nag aral.Hindi pa rin naalis ang aking pagliban sa klase pero hindi na ito tulad nang dati.Madali kong nakasundo ang aking mga kaklase dahil sa sobra nilang kadaldalan at kakulitan kahit lalaki ay ganon.Madalas magwalk-out an gaming guro dahil sa sobrang gulo naming.Isang araw nagpunta ang aming adviser sa room upang maghanap nang representative sa Sudoku nagkataon naman na marunong akong laruin un kaya nagboluntaryo na lamang ako.Kami ay mahigit tatlong pung naglaban.Hindi ko inaasahan na makakasama ako sa top3.Hindi makapaniwala ang ibang teacher na isang 2-L pinakamababang section ay makakapasok sa ganung kompetisyon.    

      Nagkaroon naman kami nang problema sa bahay.Naglayas ang aking kapatid na panganay.Hinanap namin sya kung saan-saan pero hindi namin sya nakita.Makalipas ang isang buwan,may nakapagsabi smin kung nasaan sya.Pinuntahan namin ang bahay nang kanyang boyfriend at nakita naming sya don.Pinilit sya nang aking ama na sumama sa amin pauwi ngunit hindi sya pumayag nang hindi kasama ang kanyang boyfriend.Walang nagawa si dady kundi pumayag 17 taon pa lang ang ate ko nang siya ay mag tanan.Namulong ang pamilya nang lalaki sa amin.Walang nagawa ang aming pamilya na pumyag sa kasalan dahil nabuntis ang aking kaptid.Hindi kinaya nang magulang ko ang mga nangyari kaya lagi nila akong pinangangaralan.Wag daw muna akong makipagrelasyon dahil ang mag lalaki daw ay hindi nauubos unahin daw muna ang pag aaral para maging maganda ang aming buhay.Nang manganak ang ate ko namatay agad ito pagkalabas palang.Naging malungkot ang aming bagong taon dahil sa mg nangyaring iyon. 
picture taking for the graduation day
    Pagdating ko nang fourth year nagsipag ako sa pag aaral dahil gusto kong makapagtapos nang pag aaral.Mahirap ang mga aralin pero pinipilit ko paring intindihin.Minsan lumiliban pa rin ako sa klase pag walang babaunin at kapag may sakit.Mababa ang aking naging grade noong first grading dahil hindi ako nakakapagpasa nang mga project.Bumawi naman ako noong second grading.May back subject ako na dapat pasukan kaso hindi ko magawa dahil hindi ito tama sa aking schedule kaya napabayaan ko ito.Matagal akong hindi nakapasok at muntikan na akong hindi tanggapin buti nalang kinausap ito nang aking adviser at binigyan ako nang second chance.Bilang parusa kaylangan kong mag report araw-araw.Mahirap pero ginagawa ko pa rin.Minsan medaling araw na akong natatapos sa pagsusulat kaya minsan nakakatulog ako sa klase.Ngayon isa nalang ang hinihintay naming lahat ang makapagtapos nang high school at makapagkolehiyo upang makatulong sa pamilya.